ShareThisAng seryeng ito ay kathang-isip lamang ngunit ang mga karakter dito ay hango mula sa totoong mga personalidad na aking kakilala. Kung mayroon mang pagkakahawig sa tauhan, lugar at pangyayari, ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
"Kuya Pao, halika na. Turuan mo na akong magdrive", pagyaya sa akin ng hipag kong si Nicole, 19 years old. Siya ang bunso sa limang magkakapatid, kabilang ang aking asawa. Meron lang silang isang kapatid na lalaki.
Holiday noong panahon na iyon at long weekend pa. Kaya naman nagpasya kaming mag-asawa na bumisita sa kanilang probinsiya. Bale mga magulang na lang niya at si Nicole ang nakatira doon dahil ang sumunod na kapatid ni misis na si Joy ay nagtratrabaho noon sa ibang bansa, maging ang kapatid nilang lalaki. Nasa Maynila naman ang isa pa nilang kapatid na babae na si Jenny at doon nagtratrabaho. Tuwang-tuwa naman ang mga biyenan ko nang makarating kami sa kanila dala ang ilang pasalubong. Hindi pa kami nabibiyayaan ng anak kung kaya't maganda pa rin ang hubog ng katawan ng aking asawa.