noypipages's blog

Book 2 - Langit Nasaan Ka Ba? Chapter 9

ShareThis

Mabilis na lumipas ang dalawang linggo at ilan sa mga negosyo nila sa Amerika ay naikutan na ni Eddie, mula sa malalaki hanggang sa pinakamaliliit na mga boutiques at food stalls.

"So Gab are you ready to take over? Parang gusto ko na rin kasing magpahinga, you will ofcourse take my position as chairman." Si Enrico habang magkakaharap sila sa lamesa para sa pananghalian. Sa narinig ay natigilan si Matt at sumabat sa tito niya.

"Tito don't you think it's too early to put big responsibilities kay Eddie?" Kontra niya sa sinabi ni Enrico.

"Matt, he owns the largest percentage of shares, I am just sitting in my position in his behalf dahil wala pa siya noon, but now that he's here e tama lang na ibigay ko sa kanya ang posisyon niya, I think he can handle things, besides all three of us will be on his side." Sagot ng matanda.

Book 2 - Langit Nasaan Ka Ba? Chapter 8

ShareThis

California, USA

Paglabas ni Mica at Eddie sa airport ay sinundo sila ng driver ni Enrico, nalula si Eddie sa lawak ng lupaing pinasok ng kotse bago pa makarating sa isang mala-palasyong bahay, luma na ito at mukang itinayo pa ng mga ninuno ng kanilang angkan pero kita ang karangyaan.

"Welcome home Gabriel!" Salubong ni Enrico sa binata, nakahilera ang lahat ng mga katulong sa bahay at sa dulo nito ay si Enrico at si Matt. Lahat ng mga katulong ay nagyukuan at nagbigay galang sa kanya. Ilan sa mga ito ay mga pilipina.

Nginitian ni Eddie lahat ng mga bumati sa kanya at yumakap kay Enrico at kay Matt.

Book 2 - Langit Nasaan Ka Ba? Chapter 7

ShareThis

Matapos mamili ng mga grocery ay tumuloy na sila sa presinto para bisitahin si Bogart, habang nag-aantay siya sa visitor's area ay hindi alam ni Eddie kung pano papakiharapan ang dating kaibigan. Maya-maya ay pumasok ang isang pulis at kasunod nito ay si Bogart na nakaposas.

Ilang minuto na silang magkaharap sa lamesa ay wala pa ni isa mang nagsasalita sa kanila, nakatingin lang si Eddie sa dating kaibigan, kita ang malaking inilaglag ng katawan nito. Magsasalita na sana siya nang may iabot na maliit na papel sa kanya si Bogart, pagtingin niya ay may nakasulat ditong address sa Pampanga.

Book 2 - Langit Nasaan Ka Ba? 6

ShareThis

Kinabukasan ay tanghali na nang magising si Eddie, nag shower muna siya saka bumaba. Naabutan niya si Enrico na nagbabasa ng diyaryo sa sala.

"Oh Gabriel gising ka na pala, come lunch is waiting for us, naroon na sila Matt at Mica, pasunod narin sana ako eh nandito ka na kaya sabay na tayo." Nakangiting salubong nito sa binata.

"Ok lang po ba if Eddie na lang? And I prefer calling you Tito rather than kuya" si Eddie habang naglalakad sila papunta sa komedor.

"It's ok Ed but we must use your real name when I present you to the board" sagot ni Enrico habang paupo na sila.

Book 2 - Langit Nasaan Ka Ba? Chapter 5

ShareThis

"Gosh!" Gilalas na usal ni Mica saka tumingin kay Eddie, tahimik lang ang binata pero makikita ang pangingilid ng luha sa mga mata. Si Matt naman ay walang imik.

"Patawarin mo ako Gabriel, pero maniwala ka na dinala ko sa loob ng kunsensiya ko ang nagawa ni Papa sa loob ng napakaraming taon, kaya naman natuwa ako nang malaman kong ikaw ang nawawalang pinsan ko." Si Enrico na umiiyak na matapos ang rebelasyon.

"Ano ang nangyari sa mama ko?" Tanong ni Eddie.

Book 2 - Langit Nasaan Ka Ba? Chapter 4

ShareThis

"Gabriel Peter Valero ang tunay mong pangalan Eddie, anak ka ng Tita Isabel at Tito John ko, ang kapatid ng aking ama na si Samuel Valero. That means you are my cousin" pagbubunyag ni Enrico.

"My God!, that means he is my uncle?" si Mica na hindi makapaniwala.

"I know mahirap paniwalaan Mica dahil nabuhay kayo sa isang kasinungalingan" si Enrico na itinuloy ang pagsasalaysay.

Maraming taon na ang nakakaraan....

Isang pagsasalo ang naganap sa bahay ng mga Valero, maraming mga nagtataasang personalidad sa lipunan ang dumalo, ito kasi ang ika-dalawampu't isang kaarawan ng bunsong anak ni Smith at Carmela na si John.

Book 2 - Langit Nasaan Ka Ba? Chapter 3

ShareThis

"You drive, sa bahay tayo" utos nito pagsakay niya sa kotse at binuhay niya na ang makina. Maraming pumapasok sa isip niya, pero likas na sa kanya ang madaling magtiwala kaya inalis niya ang agam-agam at sumunod na lang sa agos ng mga pangyayari.

Nang makarating sila sa bahay ay nakita ni Eddie ang dati niyang kotse, mukhang bago parin ito dahil ilang buwan niya lang namang nagamit. Naroon pa rin ang tatlong guwardiya at lahat ng mga ito ay bumati sa kanya.

"Use your old room Eddie, I will inform Dad na nahanap na kita" narinig niya mula kay Mica, umakyat siya sa dati niyang silid, naroon pa rin ang mga damit na ginagamit niya noon, hindi naman kasi niya inalis nung lumipat siya sa silid ni Patricia. Hindi niya alam kung magbibihis siya gamit ang mga dating damit, hindi niya alam kung pwede niya nang gamitin ulit ang mga magagarbong appliances na nasa loob ng dating silid niya dahil hindi niya pa alam kung ano talaga ang papel niya dito bukod sa paghihintay na maayos ang mga papeles niya papuntang Amerika.

Book 2 - Langit Nasaan Ka Ba? Chapter 2

ShareThis

Parehong nataranta si Ela at Eddie nang makarinig ng mga katok sa pintuan.

"Sa ilalim ng katre bilis!" Pabulong na utos ni Eddie sa babae, agad naman itong gumapang papasok sa ilalim ng papag at nang nakapwesto na ito ay tumayo si Eddie para buksan ang pinto.

"O pre ikaw pala anong sa'tin?" Bati nito kay Etong.

"Ah pre napansin mo ba si Ela? Naligo lang ako pagbalik ko sa kwarto wala na" tanong nito.

"Hindi pre hindi ako lumalabas ng kwarto ko, baka may binili lang" sagot niya dito.

"Sige tignan ko sa labas, salamat pre" tumango si Eddie at isinara na ang pinto. Maya maya lang ay lumabas na mula sa pagkakatago si Ela at nang marinig ang pag-alis ng kinakasama ay tumayo na ito at nagpaalam sa binata saka lumabas ng pinto para pumunta sa kanilang silid.

Book 2 - Langit Nasaan Ka Ba? Chapter 1

ShareThis

Ang kwentong ito ay likha lamang mula sa aking malikot na imahinasyon, ano mang pagkakatulad sa pangalan ng tao o lugar ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.

1995....

Kailangang mailayo ang bata, kailangan kong sundin si Papa. Sa isip ni Enrico habang nagmamaneho ng kotse. Napadpad siya sa Quiapo, kinuha ang sanggol saka lumabas ng sasakyan at luminga-linga sa paligid, dahil halos magmamadaling-araw na ay wala nang tao sa paligid ng simbahan maliban sa mga tindero na naghahanda ng mga paninda.

Napansin niya ang isang matanda at sa tingin niya ay mukhang mabait ito kaya nang makatiyempo na umalis ito para kunin ang ibang paninda ay maingat na inilapag niya ang bata sa malapit sa basurahan. Tinitigan niya ito at hinalikan, "patawarin mo 'ko, pero babalikan kita pangako" sabi niya dito, ngumiti ang sanggol sa kanya na para bang naiintindihan siya kaya naman bago pa magbago ang isip niya ay iniwan niya na ito at walang lingon-lingon na sumakay ng sasakyan at saka umalis, "Papa sana ay hindi tayo usigin sa kasamaang balak mo" sabi niya sa sarili.

Hotel Sex - Last Part

ShareThis

Mula sa couch ay muli nya akong binuhat patungo sa kama at tinabihan ako. Magkayakap kaming dalawa habang nanunuod ng TV pero hindi na kami nagdamit pang dalawa.

"Wag ka ng magbihis babe. Tatanggalin ko din naman yan." Biro pa nya sakin.

Habang nanunuod kami ay nakaramdam na ako ng pagkaantok at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. It was about 5:30AM nang magising ako ulit at hindi pa din bumibitaw sa pagkakayakap sakin si boyfriend. I stared at him as he was sleeping. He looked so peaceful pero sobrang hot nya titigan. His intense jaw line, his nose, his lips.

"God, I'm so lucky to have this guy." Isip isip ko nalang.

Syndicate content

HTML hit counter - Quick-counter.net