ShareThis

DANICA EXPOSE ( PART 30) That’s What Are Friends Are For!

ShareThis

DANICA EXPOSE ( PART 30) That’s What Are Friends Are For!

Drama mode muna tayo… /> ^_^

Continuation:

Samantala, gabi na ng makauwi si Danica, matamlay na pumasok ng kwarto. /> Parang ayaw na niyang matulog at gumising, alam niyang bukas ay wala na naman siyang ligtas sa mga kamay ni Nestor.

“D-Danica, May problema ba? “ si Glaiza, napansin kasi nito na matamlay ng dalaga mula pa kaninang pagdating.

“W-wala ate” pagod lang ako. /> Sabay higa sa kama ni Danica, na hinayaan nalang ni Glaiza, hindi na ito kinulit.

Kinabukasan, Umaga.. parang ayaw bumangon ni Danica, /> Ngunit naisip niya na kahit nasa school siya o dito sa bahay ay wala ding pinagkaiba, /> kinuha nga pala ni Nestor ang number niya, wala din siyang ligtas dito.

Matamlay na kumilos ang dalaga,. Naghanda papasok.

Sa main gate na siya dumaan, iniisip ng dalaga na wala din naman siyang kawala. /> kaya wala ng saysay ang mag ingat pa.

Pumasok si Danica sa classroom, sakto lang ang dating niya.

Nagulat siya ng may biglang tumabi sa kanya.

“A-Arianne,” bulong ni Danica ng mapagsino ang katabi.

Nakatingin ito sa kanya ngumiti,

Parang maiiyak si Danica, ibig bang sabihin nito ay hindi na galit sa kanya ang kaibigan.

Hindi sila nabigyang ng pagkakataon na mag-usap ng dumating na ang terror na professor nila. /> Tahimik na nagsimula ang klase.

Pagkatapos ng klase, naglabasan na lahat ng classmate nila, naiwan sila ni Arianne sa loob, /> Silang dalawa nalang.

Matagal silang Magkaharap ng walang nagsasalita.

Nakita nalang ni Danica na pumatak ang luha ni Arianne, sabay yakap ng mahigpit sa kanya.

“I-im s-sorry Danica” si Arianne habang walang tigil na pumapatak ang luha.

Maging si Danica ay hindi napigil ang sariling luha,

“A-arianne, s-sorry din kung iniwan kita nung….. “ /> Hindi na naituloy ni Danica ang sasabihin tinakpan ang bibig niya ng mga palad ni Arianne,

Nakangiti habang pumapatak ang luha na nakatingin sa kanya.

“sssshhhh, hindi mo na kelangan magpaliwanag! Alam ko na lahat, may kasalanan din ako sayo, /> kung hindi sana kita pinilit isama nung gabi na yun, hindi sana… ! ”

Hinawakan ng mahigpit ni Danica ang kamay ni Arianne na nakatakip sa bibig niya. /> Tinanggal yun sa pagkakatakip sa bibig niya.

Hindi na tinuloy ni Danica ang dapat sasabihin kanina.

“Salamat!” si Danica

“T-Tama na,” Si Arianne.

Humihikbing nagsalita si Danica

“Namiss kitang bruha ka!!” Si Danica na umaagos ang luha sa magkabilang pisngi. /> Sabay sabunot ng marahan kay Arianne at ginulo ang buhok nito.

“Sira!” Gumanti naman si Arianne, ginulo din ang buhok ni Danica. /> Maya-maya lang ay Masaya na silang naghaharutan tulad ng dati.

Bago sila naghiwalay ni Arianne, papasok na kasi ito sa susunod na klase, hindi sila magkaklase dito. /> May kinuha sa bag si Arianne, sabay inipit ito sa mga kamay ni Danica.

“Ayan, regalo ko sayo,” sabay yakap ulit nito sa kanya, at tumalikod na paalis. /> “Bye Danica, mamaya nalang.” si Arianne

Nagtataka naman ang dalaga. /> Tiningnan ang nilagay ng kaibigan sa kamay niya..

Cellphone.. kilala niya kung kanino ito, kay Nestor. nagtataka siya kung paano ito nakuha ni Arianne. /> pinindot ang cellphone, sabay binura lahat ng laman nun.

“Salamat Arianne! ” bulong ni Danica na naluluha

Masaya ang araw ni Danica, /> inantay pa siya ni Arianne at nag mall sila, tulad ng dati nilang ginagawa. /> Hindi na nila pinag usapan ang mga nangyari.

“Libre kita Arianne, “ si Danica

“Talaga, Aba, andami atang pera ng sis ko ngayon ah, Hihihihi, gusto ko yan!”

“Samahan mo muna ako!” Sabay labas ng cellphone ni Nestor, at kindat ni Danica sa kaibigan,

Nagtatawanan silang pumunta sa bilihan ng mga second hand cellphone.

HTML hit counter - Quick-counter.net