ShareThisMatagal na 'ko sa mga community sites tulad nito. Tawagin niyo na lang akong Popoy, 27 anyos. Isa akong IT sa isang BPO somewhere in Manila. Iku-kwento ko ang nangyari sa 'kin nung nasa South pa ako nag-o-opisina taong 2013. Itago na lang natin siya sa pangalang 'Jen'. 19 taong gulang. Meron siyang ka-live in nang apat na taon no'ng mga panahon na 'yun. Isa siya sa mga intern ko.
Katulad ng normal kong gawain, casual na pakikitungo sa mga interns ko, inuutusan ko sila kapag may dapat gawin, tinuturuan nang kung ano talaga meron sa trabaho ng isang IT, etc. hanggang sa isang araw, nagtanong siya sa akin kung ano ang lasa, pakiramdam kapag nag-marijuana ka. Nakikita kasi nila na madalas akong may dala ng ganon kaya siguro na curious din siya. Sabi ko, depende naman sa taong gagamit. May food tripping, laugh tripping, at kung ano ano pa.