SI LENA

ShareThis

Written by: femmeoir

A year ago, bumalik kami sa Albay para ipagpatuloy ang scholarship na binigay samin ng govt agency kung san kami nagtatrabaho. Last year na namin yun at nagdecide kami na sa labas na ng campus mag stay dahil di na namin nagustuhan ang dorm sa loob ng campus dahil iba nung nakaraang taon, ito ay masyado nang masikip sa amin.Nung araw na yun naghanap kami sa labas at too good naman yung kinakainan namin may alam na boarding house kung saan kami mastay for the rest of our summer class.

Accessible masyado ang place namin una, dahil walking distance ito sa school, malapit sa place na kinakainan namin, (nakasanayan na kasi namin nun pa na di magluto)pagkagaling ng school pag gusto kumain kakain, pag gusto na matulog tulog kung gusto gumala at mag malling pwede din, and safe para samin, ayaw kasi namin ng maingay ang lugar, palibhasa we went to the place para mag aral at di para mag enjoy.Pero ganun na din pala, sa labas na kami nag stay dahil gusto na naming maranasan kung pano ba ang mamuhay sa labas ng campus and ano ba ang buhay bilang estudyante sa mga gaya namin.

Lima kami na lahat na magkakasama sa kwarto, lahat kami magkakalugar, ,may kasama kaming isang lalaking katrabaho din pero nasa kabilang kwarto siya.Dalawang palapag ang boarding house na yun, ang pangatlo sa rooftop kung san kami nagsasampay ng aming mga damit.

Maganda para samin ang lugar na yun kaya niyaya din namin an gaming kaklase na kasama namin dati sa dorm na dun na din tumuloy, and dahil sa nagandahan sila ng place dun na din sila nagrent, nagkataon walang malaking place sa ibaba kaya sa taas sila nakakuha ng kwarto..

Nakailang araw na kaming nagstay sa place na yun ng kinaumagahan nagkagulo yung mga co scholars din namin nasa itaas na kwarto, since nasa ibaba ang lutuan at kainan, dun kami nagkikita araw araw dahil ang banyo ay halos nasa katabi lang ng lutuan.

“May nakakapasok palang lalaki dito kung gabi”….ang sabi ni Precy, kaklase namin from Masbate

“Bakit?…tanong ko

“Sus mare kung alam mo lang”….patuloy nito

“Hay naku, x rated, para ka na ding nakikinig ng bold film”…sabi nya

“What?….tanung ng mas nakababatang kasama namin sa room

“Yung katabi naming kwarto, nagdadala ng lalaki sa kwarto…at ang ingay nila habang nagsesex.”….sabi naman ng isa pang kasama nina Precy…

“Ganun”…sabay sabay naming sabi..

Na curious kami tungkol sa sinasabi ng mga nasa taas na kwarto, ano ba itsura ng babaeng yun? bata pa ba? maganda ba?

Nung araw na yun, maaga akong umuwi dahil wala ang isang trainer namin, yung kasama ko naman sa kwarto ay gumala kasama ng mga kaklase namin dahil gusto daw nilang itry yung body massage na pinapauso ng Koreans sa lugar na yun. Dahil sa inaantok ako, di ako sumama.

Pagpasok ko ng boarding house, may nakita akong babaeng bumaba galing sa taas, may dalang pinggan na huhugasan, nakasuot ng maikling shorts,(shorts na nga pala), nakafit na blouse at nakamedyas habang may suot ng tsinelas naka pony tail ang buhok .Di ko sya pinansin at pumasok na ako ng kwarto at nahiga. Nagising lang ako ng nagsidatingan na ang aking mga kasama.

“Uy ang ganda naman pala nung nasa taas” narinig kong sabi ng kasama ko

Diniscribe nila ang kanilang nakita at dun ko din napagtanto na iyong nakita kong babae kanina ay yun nga pala ang babae na nakita ko.

“Hmmmmm maganda siya at bata pa tingnan”…nasa isip ko

Nung gabing yun muling nagkagulo sa boarding house, may lalaki daw na nakapasok uli,
at this time nagtatawanan na lang kami….biruan

“Kasi naman po, apektado kayo sa naririnig nyo at nararamdaman….o ano miss nyo mga asawa nyo…..kantyawan namin….

itutuloy po…..

HTML hit counter - Quick-counter.net